Pulis na aksidenteng nabaril ang kaniyang sarili, nasa ligtas na ng kalagayan

19

Cauayan, Isabela – Nasa ligtas nang kalagayan ang pulis na aksidenteng nabaril ang kaniyang sarili kahapon habang ito ay nasa bisinidad ng regional trial court sa lungsod ng Cauayan.

Matatandaan na nabaril ni PO3 Nick Delos Reyes, 38-anyos, may asawa, residente ng San Mateo, Isabela at miyembro ng PNP Luna Isabela ang kaniyang sarili habang inaalis nito ang bala ng kaniyang baril.

Bigla itong pumutok at tumama sa pader ngunit bumalandra ito at tumama sa kaniyang tiyan.

Agad itong isinugod sa pagamutan upang malapatan ng kaukulang medikasyon.

Facebook Comments