Pulis na ama ng apat na taong gulang na batang pinagsasaksak ng isang adik, pinuri ng kaniyang opisyal

109

Cebu, Philippines – Pinuri ni Cebu City Police Office –Chief Na Si Sr.
Supt Joel Doria dahil sa pagiging kalmado ng isang pulis at hindi nanakit
sa suspek sa pananaksak ng kaniyang apat na taong gulang na anak sa
barangay Duljo-Fatima sa Cebu City.

Ayun kay Doria, ito ay nagpapatunay lang na marami pa ring mga miyembro ng
Philippine National Police ang disiplinado.

Sa halip na manakit na isang normal na reaksiyon sa isang taong gait na
galit, pina-surrender ni PO1 Emmanuel Martinez Sr. ang suspek na isang
drug addict at lasing na si Danilo Remulta matapos nitong masaksak at
mapatay ang walang kamuwang–muwang na 4 na taong gulang na anak ng pulis
na si Emmanuel Martinez Jr.

Nakakulong na ngayon ang suspek na si Remulta at nakatakdang sampahan ng
kasong murder kaugnay ng anti child abuse law.

Facebook Comments