Pulis na infected sa COVID-19, nadagdagan ng 118

41

Umabot na sa 5,929 ang bilang ng mga pulis na naging positibo sa COVID-19.

Batay sa ulat ng Philippine National Police (PNP) Health Service kahapon, may nadagdag na 118 pulis na infected ng COVID-19.

Pinakamaraming naitala ay sa PNP Cordillera na umaabot sa 56, habang 22 sa PNP Region 10, 14 sa PNP MIMAROPA, 12 sa National Operation Support Unit, anim sa PNP CALABARZON, apat sa PNP Eastern Visayas at isa sa National Administrative Support Unit.

Good news naman dahil nagpapatuloy ang pagtaas ng bilang ng mga gumaling na, ito ay nadagdagan ng 92 kaya umabot na sa kabuuang 4,701 ang recoveries sa PNP.

17 pulis naman ang nasawi dahil sa COVID -19.

Facebook Comments