
Nilinaw na ng pulis ang konteksto ng kanyang post sa kanyang social media patungkol sa umano’y pagbabago sa Konstitusyon.
Sa inilabas nito na public statement, sinabi nya na personal expression lamang umano ang naturang post tungkol sa kahalagahan ng Konstitusyon at ang pangangailangang maging informed ang publiko sa mga usaping nakaaapekto sa bansa at
mamamayan.
Aniya, hindi nya intensyon na magendorso o tutulan ang anumang partido sa pulitika, kandidato at personalidad.
Nabatid na sinabi nya sa kanyang social media post na :”Kung ganyan man lang kadali baguhin ang ating Constitution, I tell you sobrang kawawa natin mga Pilipino.”
Aware rin umano sya na ang kanyang orihinal na post ay shinare ng ibang mga indibidwal kasama ng kanyang litrato na wala syang consent.
Nangako naman siya na mas magiging maingat sa mga pahayag sa social media at mananatiling committed sa Konstitusyo , sa umiiral na batas, sa pagiging propesyunal at imparsyal bilang myembro ng PNP.
Nauna nang sinabi ng PNP na pinagpapaliwanag at iniimbestigahan na nila ang nasabing tauhan na posibleng mapatawan ng parusa kung mapapatunayang may paglabag.
Kasunod nag pag-giit na bawal makisawsaw sa pulitika ang mga pulis dahil dapat silang maging “apolotical”.










