Pulis na nakabaril at nakapatay sa isang holdaper ng pampasaherong bus sa Quezon City, na-promote

33

Manila, Philippines – Na-promote ang pulis na miyembro ng Police Security and Protection Group na nakipagbarilan at nakapatay sa isang holdaper sa isang pampasaherong bus noong nakaraang Linggo.

Mula sa pagiging PO2, binigyan ng one rank promotion si Angelito Lantano.

Binigyan din siya ni PNP Chief Ronald Dela Rosa ng isang caliber 45 na baril at glock 30.

Una rito, sakay sa isang pampasaherong bus si PO3 Lantano nang magdeklara ng holdap ang tatlong suspek.

Hindi naman nagdalawang-isip na paputukan ni Lantano ang isa sa mga holdaper na agad nitong ikinamatay habang naaresto ang dalawa pang kasamahan nito.

Facebook Comments