Pulis na nakapatay sa mag-ina sa Tarlac, sinibak na sa serbisyo

271

Sinibak na sa serbisyo ang pulis na namaril ng mag-ina sa Tarlac na si Police Staff Sgt. Jonel Nuezca.

Ito ang iniutos ni Philippine National Police (PNP) Chief General Debold Sinas matapos aprubahan ang rekomendasyon ng Internal Affairs Service (IAS) na dismissal kay Nuezca dahil sa grave misconduct na isang administratibong kaso.


Ayon kay Sinas, epektibo ang dismissal ni Nuezca ngayong araw, January 11, 2021.

Sa pag-iimbestiga ng PNP-IAS, napatunayang guilty sa 2 counts of murder ang pulis.

Matatandaan na noong December 20, 2020 nang barilin ni Nuezca sina Sonya at Frank Gregorio matapos ang pagtatalo dahil sa “boga” at “right of way”.

Facebook Comments