Pulis na nakatalaga sa Cebu, arestado dahil sa pangongotong

72

Huli ang isang pulis matapos na masangkot sa robbery-extortion sa Poblacion, Carmen, Cebu kamakailan.

Kinilala ang nadakip na pulis na si Police Executive Master Sergeant Julius Medura Obañana, Chief Intelligence ng Carmen Police Station sa Cebu.


Ayon kay Integrity Monitoring and Enforcement Group (PNP IMEG) Acting Director Police Col. Thomas Frias Jr., na batay sa kanilang pag-iimbestiga, isang motorsiklong nakumpiska sa isang drug operation ang hindi isinama sa inventory ng suspek na pulis.

Pinatutubos raw ito ng pulis sa may-ari kapalit ang Php 3,000 para mai-release.

Kaya naman nagreklamo ang kausap ng pulis at ikinasa ng PNP-IMEG ang entrapment operation kaya nahuli ang suspek na pulis.

Sa ngayon nasa kustodiya na ng PNP-VFU, sa Camp Sergio Osmeña Boulevard, Cebu City ang suspek at nahaharap sa kasong administratibo.



Facebook Comments