Pulis na nasawi dahil sa COVID-19, umabot na sa 59

13

May pulis na naman ang namatay matapos maging infected ng COVID-19.

Ito ang iniulat ng Philippine National Police (PNP) Health Service matapos na masawi kahapon ang isang 42 anyos na patrolman na nakatalaga sa Ifugao Provincial Police Office.


May 6 nang magpositibo ito sa COVID-19 hanggang sa mailipat sa pinakamalapit na ospital dahil sa severe health condition, pero kahapon ay namatay na ayon sa mga doktor dahil sa acute respiratory distress syndrome.

Sa ngayon, umaabot na sa 59 ang nasawing pulis dahil sa virus.

Batay pa sa ulat ng PNP Health Service, umabot na sa kabuuang 21,168 COVID cases mayroon sa PNP matapos madagdag ang 72 cases ngayong araw.

Sa bilang ng total COVID cases, 19,661 ay gumaling na.



Facebook Comments