Pulis na nasawi sa pagsabog ng granada sa Misamis Oriental, gagawaran ng Posthumous Award ng PNP   

41

Inirekomenda ng Philippine National Police (PNP) na gawaran ng Posthumous Medal ang Pulis na nasawi matapos protektahan ang mga bata mula sa pagsabog ng granada sa Misamis Oriental.

Ayon kay PNP OIC, Lt/Gen. Archie Gamboa, inaasagahang gagawaran ng PNP medalya ng kadakilaan ang nasawing pulis na si Police Master Sergeant Jason Magno at ang kasamahan nito na si Police Senior Master Sergeant Alice Balido na nakapatay sa suspek.


Sinabi ni Gamboa, sina Magno, Balido, at iba pang mga pulis ay isang halimbawa ng pagiging makabayan.

Mahahalintulad sila ng ating mga pambansang bayani na namatay para sa bayan.

Nitong Huwebes (Nov. 28), naispatan ang suspek na si Ebrahim Ampaso na may dala-dalang granada at patalim habang nasa loob ng initao College Campus.

Nang komprontahin ng mga awtoridad, ibinato ng ipinasabog ng suspek ang granada at hinarang ni Magno ang kanyang katawan para protektahan ang mga Estudyante.

Facebook Comments

From Advertisers