Pulis na nasawi sa pagsabog sa Jolo, Sulu, kinilala na

698

Isinapubliko na nang Philippine National Police (PNP) ang pangalan ng pulis na nasawi sa ikalawang pagsabog sa Jolo, Sulu kahapon.

Ayon kay PNP Spokesperson Brigadier General Bernard Banac, ang nasawi ay kinilalang si PSMS Joe Michael Langbis, miyembro ng PNP Special Action Force.


Habang anim pa na pulis ang sugatan na ngayon ay patuloy na ginagamot.

Sa ngayon mas naging maigting ang ginagawang chekpoints, police visibility patrols at focused intelligence and law enforcement operations ng PNP sa Jolo, Sulu na may close coordination sa militar.

Nagpaabot naman ng pakikiramay ang PNP sa mga pamilyang naiwan ng mga biktima ng pagsabog.

Sa ngayon, 15 na ang naitatalang nasawi sa dalawang pagsabog kabilang ang suicide bomber habang 72 ang sugatan kabilang na ang 6 pulis at 18 sundalo.




Nanawagan din ang PNP sa sinumang makapagtuturo sa mga suspek na ipagbigay alam sa mga awtoridad para hindi na maulit pa ang marahas na pag-atake.

Facebook Comments