Pulis na positibo sa COVID-19, umabot na sa 10

30

Nadagdagan pa ng tatlong pulis ang nagpositibo sa COVID-19 kaya umaabot na ngayon sa 10 pulis ang positibo sa virus.

Ito ang kinumpirma ni Philippine National Police (PNP) Spokesperson Brigadier General Bernard Banac.


Aniya, batay sa report ng PNP Health Service, kabilang sa nadagdag ay ang isang  55 taon gulang  at isa pang 45 na taon na mga  lalaking pulis na pawang nakatalaga sa Metro Manila at isang 42 taon na lalaking pulis na nakatalaga naman sa Northern Luzon.

Sa ngayon, umabot na sa 152 PNP personnel ang PUIs o person under investigation at 1,422 PNP personnel ang PUMs o person under monitoring.

Patuloy naman ang paalala ng pamunuan ng PNP sa kanilang hanay na mas maging maingat para makaiwas sa nakakamatay na COVID-19.

Facebook Comments