Pulis na suspek sa Maguindanao Massacre, sumuko sa CIDG BARMM

651

Sumuko sa mga otoridad ang isa sa pulis na nahaharap sa kasong may kinalaman sa nangyaring November 23, 2009 Maguindanao Massacre.
Sa report na ipinarating sa DXMY , kusang loob na lumapit at sumuko sa CIDG BARMM si PO 1 Ysmael Baraguir, pasado alas syste kagabi sa bahagi ng Brgy. Linandangan, Pagalungan Maguindanao.
Si Ysmael ay sinasabing Most Wanted National Level at may arrest warrant dahil sa kasong Murder.
Sumuko ito mismo kay CIDG BARMM Regional Chief Col. James Gulmatico.
Kasalukuyang nasa custody na ng CIDG BARMM si Ysmael.
CIDG BARMM Pic

Facebook Comments