Pulis na tinamaan ng COVID -19 sumampa na sa mahigit 5,000

20

Umabot na sa 5,285 ang bilang ng mga pulis na naging positibo sa COVID-19.

Batay sa ulat ng Philippine National Police (PNP) Health Service, may nadagdag na 52 bagong kaso kahapon kung saan, pinakamarami pa rin na naitala ang National Capital Region (NCR) na may 26 COVID cases.

Habang 7 ang naitalang bagong kaso sa PNP Central Luzon, 6 sa CALABARZON, 4 sa Ilocos Region, 3 sa Bangasamoro Automous Region at tig 2 naman ang naitala sa Bicol Region, Eastern at Western Visayas region.

Sa kabila nito, good news naman dahil patuloy rin ang pagtaas ng bilang ng mga gumaling na mula sa sakit, ito ay madagdagan ng 37 kaya umabot na sa kabuuang 3,850 ang recoveries sa PNP at nananatili sa 16 ang bilang ng mga nasawi.

Facebook Comments