Pulis, patay matapos barilin sa ulo ng hinihuli nitong drug suspect sa Taguig

379

Taguig City – Patay ang isang pulis matapos barilin sa ulo ng hinuhuli nitong drug suspect sa Taguig City.

Kinilala ang biktima na si PO1 Jovy Elchico habang tinutugis pa rin ang suspek na si Alvin Alcantara.

Kasama ring naaresto sina Jimmuel John Olmedo at Joseli Nemis.


Hawak na umano ng mga pulis ang tatlo nang biglang manlaban si Alcantara saka tumakbo.

Nakumpiska sa mga suspek ang ilang sachet ng shabu at mga drug paraphernalia.
tags: RMN News Nationwide The Sound of the Nation, Luzon, Manila, DZXL, DZXL558

Facebook Comments