Pulis, patay sa pamamaril sa Agusan Del Norte

69

Agusan Del Norte – Patay matapos na barilin umano nang malapitan ng dalawang hindi pa nakikilalang salarin ang isang pulis sa purok 3, Brgy. 9 Cabadbaran City, Agusan Del Norte, kahapon, Abril 16.

Nakilala ang biktima na si PO3 Rodel Monteza, 36 anyos, residente ng Brgy. Doña Rosario, Tubay Agusan Del Norte.

Alas 12:50pm nang barilin ang biktima habang nagmaneho sa kanyang single motor sa mismong sentro ng siyudad.

Ayon sa mga taong malapit sa pinangyarihan ng krimen, sunod-sunod na mga putok ng baril ang kanilang narinig.

Sinasabing si PO3 Monteza ay nadestino sa Tubay Municipal Police Station at nagpunta sa public market ng Cabadbaran City para mamili pero pinagbabaril ito ng riding in tandem.

Facebook Comments