Pulis, patay sa pamamaril sa Cavite

163

Nasawi ang isang pulis habang sugatan ang mag-ina nito nang pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilang suspek sa Imus, Cavite.

Sa report ng Cavite Provincial Police Office, kinilala ang nasawing biktima na sina Police Captain Ariel Ilagan, nakatalaga sa Southern Police District (SPD).


Sugatan naman ang asawa nitong si Mary Grace, 48-anyos at anak nilang si Audrey Gale, 20-anyos.

Pasado alas-6:00 ng umaga kahapon, papasok na sana sa trabaho ang mga biktima lulan ng kanilang SUV nang mangyari ang insidente.

Papalabas sila sa kanilang subdivision sa Lakersfield kanto ng Alapan Road sa Brgy. Alapan 1-B nang biglang lumitaw ang mga salaring sakay ng isa pang SUV at doon na pinagbabaril ang biktima.

Dead on the spot si Ilagan habang sugatan ang kaniyang mag-ina na agad isinugod sa Our Lady of the Pillar Hospital.




Nakatakas naman agad ang mga suspek.

Sa ngayon, nagpapatuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa krimen.

Facebook Comments