Pulis, patay sa pamamaril sa Maynila

352

Manila, Philippines – Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Manila Police District ang motibo sa pamamaslang sa isang pulis sa Paco, Maynila.

Nakilala ang biktima na si PO1 Abdul Jabbar Alonto, nakatalaga sa District Intelligence Division ng Manila Police District o MPD.


Sa paunang imbestigasyon, sakay si Alonto ng kanyang kulay berdeng kotse nang pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang salarin sa Peñafrancia Street kanto ng San Gregorio Street sa nasabing lugar.

Dalawang bala ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril ang tumapos sa buhay ng pulis.
DZXL558

Facebook Comments