Pulis pinagbabaril ng kagawad, patay

153

Isang pulis ang binaril at napatay sa mismong harap ng kanyang bahay sa Mabalbalino, San Carlos, Pangasinan.
Kinilala ang biktima na si P/Cpl Rogeron Ramirez, trentay nuebe anyos, isang Chaplain Service of Police Regional Office 1 sa Camp General Oscar Florendo, San Fernando City, La Union.
Ayon sa imbestigasyon na habang nakatayo ang biktima na si Ramirez ay bigla na lamang siyang pagbabarilin mula sa likuran nya. Kinilala ang mga suspek na Sina Jose De Guzman, singkwentay nuebe anyos at Diosdado Castro, singkwentay singko anyos. Parehong barangay kagawad ng Mabalbalino.
Nagtamo ang biktima ng limang tama ng bala sa kanyang katawan na agad namang itinakbo sa Virgen Milagrosa Medical Center at nilipat din sa Villaflor Memorial Medical Center sa Dagupan na agad din namang binawian ng buhay.
Nakakulong ngayon ang dalawang kagawad sa San Carlos City Jail. Tinitignan ngayong motibo ng pamamaril ng mga kagawad sa biktima ay personal nagalit sa biktima.
Photo by: Philippine National Police
[image: pnp.jpg]

Facebook Comments

From Advertisers