Pulis, sugatan sa ambush sa Tondo

Manila, Philippines – Sugatan ang isang pulis matapos tambangan sa Tondo, Maynila.
Nakilala ang biktima na si PO3 Rommel Abarro, 45-anyos, at nakatira sa Heritage Homes, Brgy. Gregorio, Trese Martirez, Cavite City.

Nabatid na si Abarro ay dating nakatalaga sa Drug Enforcement Unit at Intel Unit ng Malabon City Police Station bago naitalaga sa NCRPO.

Sa inisyal ng imbestigasyon, lulan si Abarro ng isang Mitsubishi Adventure pasado alas-otso kagabi at binabagtas ang Southbound ng Vitas-Katuparan Bridge kasama ang kanyang misis nang tambangan ng walong armadong kalalakihan na pawang nakahelmet at nakasakay sa apat na motorsiklo.


Agad na pinagbabaril ang sasakyan ni Abarro dahilan upang tamaan ito sa balikat pero nakipagpalitan ito ng putok sa mga suspek na mabilis namang tumakas makaraang mapadaan ang isang patrol car mula sa SM PCP.

Nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente habang ginagamot naman sa Mary Johnston Hospital ang naturang pulis.
DZXL558, Mike Goyagoy

Facebook Comments