Naglabas ng pahayag ang Binmaley Police Station ukol sa umano’y insidente ng pagdukot sa bayan na kumalat sa social media mula noong Pebrero 3, 2025.
Ayon sa pulisya, sinimulan na nila ang imbestigasyon upang alamin ang tunay na pangyayari sa umano’y tangkang pagdukot sa bayan.
Nirereview na rin ng mga ito ang mga CCTV footage mula sa mga kalapit na lugar at nakikipag-ugnayan sa iba pang ahensya ng gobyerno upang mapabilis ang imbestigasyon.
Nanawagan din ang mga awtoridad sa sinumang may mahalagang impormasyon ukol sa insidente na agad itong iulat sa kanilang himpilan.
Tiniyak naman ng mga ito ang kanilang pagtutok sa seguridad ng publiko. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments