Friday, July 17, 2026

PULISYA NG MANGALDAN, NAGPATUPAD NG POLICE PRESENCE AT TRAFFIC SECURITY SA MGA PAARALAN

Nagsagawa ng police presence at traffic security operations ang Mangaldan Municipal Police Station (MPS) sa iba’t ibang paaralan sa bayan upang matiyak ang kaligtasan at seguridad ng mga estudyante, guro, magulang, at iba pang school personnel.

Sa ilalim ng pangangasiwa ni PLtCol Perlito R. Tuayon, Chief of Police, nagtalaga ng mga pulis sa mga school zones, pedestrian crossings, at pangunahing lansangan upang pangasiwaan ang daloy ng trapiko, tulungan ang mga estudyante sa ligtas na pagtawid, at maiwasan ang pagsisikip ng kalsada tuwing oras ng pagpasok at uwian.

Bahagi ang aktibidad ng pinaigting na pagpapatupad ng Balik Eskwela Program ng Philippine National Police. Layunin din nitong mapanatili ang kaayusan at seguridad sa paligid ng mga paaralan sa pamamagitan ng mas pinaigting na police visibility bilang panangga sa anumang uri ng kriminalidad.

Kasabay nito, pinaalalahanan din ng pulisya ang mga motorista na sumunod sa mga batas-trapiko, magpakita ng pasensya sa pagmamaneho, at unahin ang kaligtasan ng mga mag-aaral at pedestrian.

Patuloy namang pinagtitibay ng Mangaldan MPS ang kanilang mga hakbang para sa kaligtasan ng mga estudyante at komunidad sa pamamagitan ng epektibong pagpapatupad ng mga programang pangseguridad at pamamahala sa trapiko. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣

Facebook Comments