Pulisya, patuloy ang imbestigasyon hinggil sa pagpapakamatay ng isang dalagang teller ng bangko sa Makati City

214

Makati City – Hindi pa rin matukoy ng mga otoridad ang dahilan ng pagpapatiwakal ng isang dalagang teller ng bangko sa Makati City.

Kinilala ang biktimang si Junah Mae Navarro, 28-anyos, teller ng BDO sa SM-Ayala at nakatira sa unit 101-b, no.3307 Liwag Building, Matanzas St., Barangay Palanan.

Natagpuan ang biktima ng kanyang kinakasamang si Jay-Ar Ramirez sa kwarto ng kanilang tinitirhan sa naturang lugar.

Nakatali ang leeg ng biktima sa isang fabric belt at nakabigti sa tubong bakal ng kurtina na nakatali sa railing ng kanilang bintana.

Dinala pa sa naturang pagamutan ang dalaga, subalit hindina ito umabot ng buhay.

Pansamantalang inilagak sa isang funeral homes ang labi ng biktima upang isailalim sa awtopsiya para masigurong walang naganap na foul play.

Facebook Comments