PULISYA, PATULOY NA TINUTUTUKAN ANG MGA LUGAR NA NASA YELLOW CATEGORY NG ELECTION AREAS OF CONCERN

Mahigpit pa ring tinututukan ng Pangasinan Police Provincial Office ang mga lugar sa Lalawigan na nasa yellow category ng election areas of concern.

Ayon kay Pangasinan PPO Director Rollyfer Capoquian, bagamat mainit ang batuhan ng putik sa bayan ng San Quintin ay wala pa naman sila umanong natatanggap na reklamo.

Dahil dito, nagsagawa na sila ng dayalogo sa dalawang kampong nagbabangayan kasama ang kapulisan upang isulong ang mapayapang halalan sa bayan.

Siniguro naman ng pulisya ang kanilang aktibong pamamaraan sa iba pang lugar na nasa ilalim ng yellow areas of concern.| 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments