Pinaigting ng La Union Police Provincial Office ang seguridad para sa Unity Walk at Peace Covenant Signing na gaganapin sa Marso 27, 2025.
Ang hakbang na ito ay bahagi na tiyakin ang patas at mapayapang halalan sa darating na Mayo 12, 2025, para sa pambansa at lokal na eleksyon.
Kabilang pa sa Layunin nito na isulong ang prinsipyo ng katapatan, integridad, at hindi paggamit ng dahas sa proseso ng halalan.
Inaasahan na dadalo ang mga kandidato para sa lokal na posisyon, mga kinatawan ng sektor ng eleksyon, at mga tagapagpatupad ng batas bilang pagpapakita ng kanilang pagkakaisa para sa mapayapang panahon ng kampanya.
Lalagda ang mga kandidato bilang pangakong panatilihin ang isang patas, tapat, at walang karahasang halalan. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments