PULISYA, TINIYAK ANG KAHANDAAN SA NALALAPIT NA KAPASKUHAN

Nakahanda na ang Pangasinan Police Provincial Office upang matiyak ang kahandaan ng mga Pangasinense ngayong nalalapit ang kapaskuhan.
Kasunod ito ng kaliwa’t kanang pagbubukas ng Christmas Village ng mga bayan sa probinsiya na dinarayo tuwing gabi.
Ayon kay PCOL Jeff Fanged, PANGPPO Provincial Director, inihahanda na nila ang mga security measures bilang pagprotekta sa kaligtasan at seguridad ng publiko.

Iniutos din sa mga hepe ng pulisya sa mga bayan ang karagdagang pulis at force multipliers na magbabantay sa mga pasyalan.
Nanawagan ang Opisyal sa mga kapwa pulis nito na gawin ng buong puso ang tungkulin sa pagpapanatili ng kaayusan at kapayapaan tungo sa kaunlaran. |ifmnews
Facebook Comments