Friday, April 10, 2026

Pulong sa liderato ng Kamara kaugnay sa impeachment case ni VP Sara, itinanggi ng NUP

Mariing itinanggi ng Liderto ng National Unity Party (NUP) na nagkaroon ito ng pulong kina House Speaker Faustino Dy III o House Majority Leader Sandro Marcos kaugnay ng impeachment complaints laban kay Vice President Sara Duterte.

Ayon kay House Deputy Speaker at NUP chairman Ronaldo Puno, hindi kailanman nagkaroon ng usapan ang NUP kasama ang House leadership ukol sa isyu ng Duterte impeachment, sa mga proyekto o kaugnay na usapin.

Diin ni Puno, wala ring plano para sa anumang pulong.

Giit ni Puno, hindi magpapa-impluwensya o magpapa-pressure ang NUP kaninuman.

Sabi ni Puno, anumang magiging posisyon ng NUP kaugnay sa impeachment ay nakadepende sa kung ano ang magpag-uusapan ng kanilang mga miyembro na ibabatay din sa mga ibidensyang ipipresenta.

Facebook Comments