PUMALAG | BAYAN-ST, iginiit na mapalaya ang dinampot nilang mga kasaman na nag-rally habang nagtalumpati si Pangulong Duterte

76

Pinalagan ng Bagong Alyansang Makabayan o BAYAN-Southern Tagalog at iba pang militanteng grupo ang pag-aresto sa isa nilang kasamahan na nagkilos protesta habang nagtatalumpati si Pangulong Rody Duterte sa Aguinaldo Shrine kaugnay ng 120th Independence Day celebration.

Kinilala ng grupo ang kasamahan nilang dinampot ng mga pulis na si Francis Rafael o mas kilala umano bila “IC”, 20-anyos at miyembro ng migrante.

Si IC ay kasalukuyang nakapiit sa Kawit Municipal Police Station at plano umanong sampahan ng reklamong disturbance of public order.

Ayon sa grupong BAYAN, walang mali sa ginawa niya dahil ipinahayag lamang nito ang kanyang saloobin na maituturing naman niyang karapatan.

Facebook Comments