PUMALAG | Dating SOJ Aguirre, pumalag sa mga akusasyong sinira niya raw ang mga mahahalagang dokumento sa huling araw niya sa DOJ

113

Manila, Philippines – Bumuwelta si dating Justice Secretary Vitaliano Aguirre sa mga ulat sa “shredding” o pagsira sa mga dokumento sa DOJ sa huling araw ng kanyang panunungkulan bilang kalihim ng Department of Justice (DOJ).

Sa kanyang statement, tinawag ni Aguirre na malisyoso ang pagkakasulat ng nasabing balita.

Nilinaw din ni Aguirre na wala siyang inutusang tauhan para mag-shred ng mga dokumento sa huling araw niya sa DOJ.

Wala rin anya siyang nakikitang mali sa shredding ng mga papeles lalo na kung pawang basura na ang mga ito.

Idinagdag ni Aguirre na layon din ng shredding na bigyang daan ang pagpasok ng bagong kalihim.

Facebook Comments