PUMALAG | Sharon Cuneta, bumuwelta sa mga bashers nito na nagsabing isa siyang masamang ina

78

Manila, Philippines – Bumuwelta ngayon si Mega Star Sharon Cuneta sa mga bashers nito na nagsasabing isa siyang masamang nanay at kung ano-ano pang paninira.

Say ni Shawie, huwag munang gumawa ng kung anu-anong espikulasyon kung saan huwag na din gumawa pa ng kasinungalingan para lamang makasira ng kapwa.

Nag-ugat ang masasamang komento ng mag-post si Sharon ng throwback video ng kanyang concert, kung saan mapapanood din ang napakabata pa noong si KC Concepcion.

Sa comment section, tila may pinapatamaan si Mega Star pero hindi nito tinukoy kung sino ito kaya at marami ang nag-react sa mga patutsada nito.

Sa ngayon, burado na ang mga komentong ito at sa huli, sinabi pa ni Sharon na hindi niya deserve ang masasamang paratang laban sa kanya sa halip ay dapat pa siyang pasalamatan dahil sa magandang pagpapalaki niya kay KC.

Facebook Comments