PUMUGA | Chinese fugitive, arestado sa NAIA

31

Manila, Philippines – Arestado ng mga tauhan ng PNP-Aviation Security Group ang isang puganteng Chinese sa Ninoy Aquino Internation Airport (NAIA).

Kinilala ang pugante na si Shi Hongye.

Ayon sa Bureau of Immigration-Fugitive Search Unit (BI-FSU), wanted sa kasong economic crimes sa China ang dayuhan.

Nakatakda siyang ipa-deport ng B.I. habang blacklisted na rin siya sa bansa.

Facebook Comments