Puna na ‘trigger happy’ umano ang mga pulis, pinalagan ni Senator Ronald “Bato” Dela Rosa

116

Para kay Senator Ronald “Bato” Dela Rosa, na dating Hepe ng Philippine National Police (PNP), napaka-insensitive na mga komento na “trigger happy” umano ang mga pulis.

Ang puna ay kaugnay pa rin sa pagkakapatay ng ilang pulis sa apat (4) na sundalo sa Jolo, Sulu, bukod pa ito sa pagpatay din ng isang pulis sa isang retiradong sundalo sa isang checkpoint sa Quezon City habang umiiral ang Enhanced Community Quarantine (ECQ).


Sabi ni Dela Rosa, madali para sa mga tao na wala o hindi naging parte ng insidente ang pumuna sa mga otoridad.

Diin pa nito, walang pulis ang matutuwa na mapatay ang kasamahan sa serbisyo.

Sa tingin ni Dela Rosa, ang insidente sa Sulu ay bunga ng kawalan ng koordinasyon sa panig ng mga sundalo at pulis.

Facebook Comments