Puno, nabuwal at humarang sa southbound lane ng EDSA dahil sa hagupit ng Bagyong Rolly

33

Agad sumugod ang mga tauhan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Tandang Sora Avenue, Quezon City matapos humambalang sa soutbound lane ng EDSA ang isang natumbang puno.

Nabuwal ang puno dahil sa malalakas na ulan at hanging dala ng Bagyong Ulysses.


Gamit ang mga chainsaw at tree cutters, pinagpuputol ng mga DPWH personnel ang puno para mabilis itong mai-alis sa lugar.

Apektado ang trapiko sa mga sasakyang dumadaan sa Kamuning flyover.

Facebook Comments