Head Teacher, Arestado dahil sa Droga!

345

Cauayan City, Isabela- Huli ang isang guro sa ikinasang drug buy-bust operation ng pinagsanib na pwersa ng Cauayan City Police Station at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA 2) bandang alas 12:00 kaninang madaling araw sa Brgy. District 1, Cauayan City, Isabela.

Kinilala ang naaresto na si Mark Dominic Antonio, 37 anyos, head teacher ng Disimuray Elementary School at residente ng Brgy. District 3 sa nasabing Lungsod.


Sa nakuhang impormasyon ng 98.5 iFM Cauayan mula sa PNP Cauayan, positibong nakabili ang isang poseur buyer mula sa suspek ng isang sachet ng pinaniniwalaang shabu kapalit ang halagang isang libong piso (P1,000.00) na marked money.

Narekober naman sa pag-iingat ng suspek ang ginamit na buybust money, isang unit ng cellphone at isang motorsiklo na walang plaka.

Tumanggi namang magbigay ng panayam ang nasabing guro.

Sa ngayon ay nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek at anumang oras ay isa sailalim sa drug test upang matukoy kung gumagamit rin ito ng droga.

Facebook Comments

From Advertisers