PUPULBUSIN | Natitirang Abu Sayyaf Group sa Sulu, nasa 400 pa – militar

Sulu – Aabot pa rin sa halos apat na raan ang bilang ng Abu Sayyaf Group (ASG) sa lalawigan ng Sulu.

Ito ang inihayag ni AFP Joint Task Force Sulu Commander Brigadier General Cirilito Sobejana sa harap ng kanilang patuloy na operasyon laban sa ASG.

Aniya, kakayanin naman nilang tuluyan ng pulbusin ang mga bandido pero dahil sa may bihag pa rin ang mga ito kaya nagiging maingat sila sa kanilang operasyon.


Sa ngayon aniya, mayroon pang 10 bihag ang Abu Sayyaf, ito ay ang isang Dutch national, tatlong Indonesians, at anim na Pilipino.

Kuntento naman raw si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanilang operasyon sa Sulu dahil wala naman daw problema ang kanilang operational tempo.

Facebook Comments