PURE hangad ng Team GMSM sa Maguindanao

30

Nagpapasalamat ngayon ang tambalang Maguindanao Gubernaturial Candidate Bai Mariam Sangki Mangudadatu at Re- Electionist Vice Governor Datu Lester Sinsuat sa lalo pang paglakas ng Team GMSM kasabay ng papalapit ng araw ng eleksyon.

Bukod sa mainit na pagtanggap ng mga residente sa ibat ibang bayan kasabay ng kanilang pag-iikot, nagpahiwatig na rin aniya ng pagsanib sa kanilang pwersa ang ilan pang mga opisyales mula sa ibat ibang bayan ng lalawigan.


Nagpapatunay lamang aniya ito na marami ang sumusuporta at naniniwala sa isinusulong na adbokasiya ng Team GMSM ayon pa kay Bai Mariam.

Matatandaang nauna ng nagpaabot ng suporta ang mga prominenteng pamilya sa lalawigan kabilang na ang pamilya Mastura, Sinsuat, Midtimbang, Ampatuan , Ibay, Sangki kay Bai Mariam at Datu Lester.

PURE o Peace, Unity , Reconcialation at Empowerment ang kabilang sa magiging prayoridad ng Team GMSM o Gobyernong may Malasakit sa Maguindanao para sa lalawigan giit pa ni 2 termer Datu Abdullah Sangki Multi Awardee Mayor Bai Mariam Sangki Mangudadatu.

Facebook Comments

From Advertisers