PUV drivers at operators na bigong ipatupad ang health protocols, may naghihintay na parusa – Tugade

29

Nais ng Department of Transportation (DOTr) sa transport authorities na maghigpit sa mga public utility vehicle (PUV) operator at drivers na bigong magpatupad ng health protocols.

Paalala ni Transportation Secretary Arthur Tugade sa mga PUV drivers na sila ay partners ng pamahalaan sa paglaban sa COVID-19.


Mahalaga aniya ang kanilang partisipasyon dahil sila ay nasa frontliners.

Dapat tiyakin ng PUV operators na regular na nililinis at dini-disinfect ang kanilang mga sasakyan.

Ang sinumang driver at operator na bigong ipatupad ang health at safety protocols ay posibleng masuspinde o kaya naman bawiin ang kanilang prangkisa.

Facebook Comments