PUV operators, matatanggap ang Bayanihan 2 cash aid sa susunod na linggo

55

Matatanggap na ng mga kwalipikadong public utility vehicle (PUV) operators ng kanilang ayuda sa ilalim ng Bayanihan to Recover as One Act o Bayanihan 2 sa Lunes, October 16.

Ayon kay Land Transportation Franchising and Regulatory Board National Capital Region (LTFRB-NCR) Director Zona Tamayo, mayroong dalawang programa sa ilalim ng Bayanihan 2 ang ipapatupad nila.


Una ay ang direct cash benefit para sa mga operators at ang ikalawa ayang servicing contracting program.

Ang ₱1.2 billion na inilaan para sa road sector para sa direct cash benefit, nakalatag na ang mga dokumento at ipinasa na sa Landbank ang mga data, na siyang magdedeposito ng cash benefit sa mga operator.

Nasa ₱6,500 per unit ang inilaan sa bawat operators.

Pero sinabi ni Alliance of Concerned Transport Organization (ACTO) President Efren de Luna, hindi ito magandang balita para sa kanilang mga miyembro lalo na at higit 400,000 ang kanilang mga miyembro sa buong bansa.




Giit ni de Luna, kailangang linawin kung sinu-sino ang mga makikinabang sa direct assistance.

Facebook Comments