Magtampisaw sa malamig at malinis na tubig, at mabighani sa ganda ng tanawin sa muling pagbubukas ng Puyao Picnic Grounds sa Puyao River ng bayan ng San Nicolas, Pangasinan.
Opisyal na inanunsiyo ang muling pagbubukas nito sa publiko matapos sumailalim sa ilang buwang rehabilitasyon dahil sa pagkasira ng ilang bahagi nito nang hagupitin ng bagyong Kristine at Pepito noong nakaraang taon.
Ang lokal na pamahalaan ng San Nicolas sa pangunguna ng kanilang Tourism Office ay naglaan ng dedikasyon upang muling mapaganda ang naturang pasyalan lalo na at paparating na naman ang tag-init sa bansa kung saan dadagsa muli ang mga turista.
Ngayong papalapit na ang summer season, ang Puyao Picnic Grounds ay talaga namang nakakabighani lalo na sa mga nature lover, dahil sa sariwang hangin na malalanghap dala ng luntiang bulubunduking nakapaligid rito at malinis na ilog na tiyak na papawi sa init na iyong nararamdaman. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨