PWEDE PA | Grupo ng mga manggagawa, may pagkakataon pang i-apela ang inaprubahang 25 pesos na umento sa sahod

23

Manila, Philippines – May pagkakataon pa ang grupo ng mga manggagawa na i-apela ang inaprubahang P25 na dagdag-sahod sa Metro Manila.

Ayon sa DOLE – iginagalang nila ang mga puna ng ilang labor group hinggil sa minimum wage increase.

Maaari pa naman daw nila itong i-apela sa wage board, sampung araw matapos na mailathala sa mga pahayagan ang naturang wage order.

Sa kasaysayan ng Labor department, taong 2012 pa nang maitala ang P30 na umento sa sahod sa mga manggagawa sa NCR, na mas mataas ng limang piso sa inaprubahang wage increase ngayong taon.

Facebook Comments