Pwersa ng Lakas-CMD, nadagdagan pa

19 na pawang mga opisyal ng iba’t ibang lokal na pamahalaan ang nadagdag bilang bagong miyembro sa pwersa ng Lakas-Christian Muslim Democrats o Lakas-CMD.

Ang panunumpa nila ay pinangunahan ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez, na syang president ng partido.

Kasama niya si House Deputy Speaker at Pampanga 2nd district Rep. Gloria Arroyo, na siyang chairperson emeritus gayundin ang iba pang kongresista na parte ng Lakas-CMD.


Ayon kay Romualdez, ikinalugod nila ang pagkakaroon ng mga bagong kasapi ng Lakas-CMD na nagtiyak ng suporta kay Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr., at sa kanyang “Agenda for Prosperity” at eight-point socio-economic development roadmap.

Sa ngayon ay ang Lakas-CMD ang pinaka-malaking political party sa Kongreso.

Facebook Comments