Pwersa ng NPA, humihina na – PRRD

Naniniwala si Pangulong Rodrigo Duterte na kakaunti na lamang ang pwersa ng New People’s Army (NPA).

Sa kanyang talumpati sa General Santos City kagabi, sinabi ng Pangulo na nauubusan na ng armas, bala at pagkain ang mga rebeldeng komunista.

Nangako rin ang Pangulo na bibigyan ng pabahay at skills training ang mga sumukong NPA rebels.


Matatandaang noong April 13, sinabi ng Pangulo na bubuo siya ng bagong peace negotiating panel, ilang linggo matapos niyang wakasan ang peace talks.

Facebook Comments