Pwersa ng pulis sa Metro East, handa na para sa eleksyon sa Lunes

Higit 800 uniformed personel mula sa apat na siyudad sa Metro East ang ide-deploy para sa darating na elekyon sa Lunes, Mayo 12.

Babantayan ng City Police Stations District Mobile Force Battalion ng Eastern Police District (EPD) ang magaganap na halalan sa Mandaluyong, Marikina, Pasig, At San Juan kung saan nasa higit isang milyon ang mga rehistradong botante na inaasahang lalabas upang bumoto sa kani-kanilang polling precinct.

May mga police assistance desk na ilalagay sa 103 polling precinct sa buong Metro East na pamumunuan ng mga tauhan ng EPD, katuwang ang ilang mga community volunteer na magsisilbing mata at tainga sa labas.

Bukod dito ay may karagdagang mahigit 100 police officers ang nakaantabay bilang support force at magmamatiyag sa buong distrito.

Tinitiyak ng EPD na magiging alerto sila para mapanatili ang kapayapaan ngayong darating na eleksyon.

Facebook Comments