PWESTO PARA SA MGA AMBULANT VENDORS SA MAGSAYSAY MARKET, DAGUPAN CITY, NAITAYO NA AT SUMAILALIM SA DISINFECTION

21

Itinayo na ang mga retractable tents sa isang bahagi ng Magsaysay Market matapos ipag-utos ang agad na paghahanap ng mas magandang pwesto para sa mga ambulant vendors sa lungsod, na ang mga tents ay isinailalim na rin sa disinfection.
Noong Miyerkules, September 22, nakipagpulong sa mga vendors ang City Government upang makinig sa kanilang mga suhestyon at iparating sa kanila ang pagnanais na mabigyan sila ng mas magandang pwesto.
Nagsagawa rin sila ng inspeksyon sa lugar na paglilipatan ang mga ambulant vendors.
Ang paglilipat umano ng pamahalaang lungsod sa mga ambulant vendors na nakapwesto sa pamilihan ay upang makapagpatuloy sila sa pagbibenta sa gitna parin ng pandemya.
Ito rin ay da kagustuhan na maisaayos ang pamilihan at kahilingan umano ng mga vendors dito.

Facebook Comments