QC-DPOS, nilinaw na alinsunod sa rekomendasyon ng QCPD ang hindi bigyan ng rally permit ang grupong BAYAN sa Batasan Road

58

Kinumpirma ni Quezon City Department of Public Order and Safety (QC-DPOS) Chief Elmo San Diego na rekomendasyon ng QCPD na hindi payagan ang grupong BAYAN makapagsagawa ng rally sa Batasan Road kasabay ng State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos.

Ito ang tugon ni San Diego sa bwelta ng militanteng grupo na mababaw ang paggamit ng Local Government Unit (LGU) sa isyu ng pagsisikip ng kalsada kung kaya’t hindi sila nagbigay ng rally permit.

Ayon sa PNP, hindi papayagan ang anumang aktibidad sa araw ng SONA ni PBBM sa Lunes sa Commonwealth Avenue at Batasan Road.


Ngunit papayagan lang ang mga ito sa mga itinalagang freedom parks kabilang ang QC Memorial Circle at UP Campus.

Facebook Comments