QC, hindi magpapatupad ng lockdown kahit nagkaroon na sa lungsod ng kaso ng bagong variant ng COVID-19

323

Hindi pa rin magpapatupad ng lockdown ang lungsod ng Quezon kasunod ng pagpasok ng bagong variant ng COVID-19.

Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, wala pang sapat na batayan para i-lockdown ang lungsod o kahit ang Barangay Kamuning kung saan nakatira ang 29-anyos na lalaki na tinamaan ng UK Variant COVID-19.


Nabatid na hindi nakauwi ng bahay ang nasabing lalaki dahil mula sa airport, dumiretso siya sa hotel bilang bahagi ng health protocol.

Sa hotel na rin siya sinundo ng health workers para dalhin sa Hope Isolation Facility.

Sinabi ni Rolando Cruz, Quezon City Epidemiology and Surveillance Unit Head 10 na taga-QC ang nakasama ng pasyente sa eroplano at ito ay kanila ngayon na tinutunton.

Facebook Comments