QC LGU, binuksan na ang aplikasyon sa ilang bakanteng posisyon sa ilang hospital at departamento sa City Government

33

Pupunan na ng Quezon City Hall ang mga bakanteng posisyon sa ilang ospital at ilang departamento sa City Hall.


Inanunsyo ng Quezon City Local Government Unit (LGU) na maaari nang mag-apply ang sinumang applicants na nais magkaroon ng trabaho sa lungsod.

Maaari na nilang bisitahin ang website na www.kalibrr.com/c/quezon-city-local-
government/jobs para makita ang trabaho na angkop sa kanilang kakayahan.

Ilan sa alok na trabaho ay mga medical officer tulad ng anesthesiologist, OB/gynecologist, pediatrician, internal medicine, surgeon at staff nurses na itatalaga sa Novaliches District Hospital.

Habang nangangailangan din ng obstetrics and gynecology para sa Rosario Maclang Bautista General Hospital.

Tumatanggap din ng nurses at nurse attendant applicants ang Quezon City Health Department at Sanitary Engineer naman para sa QC Engineering Department at iba pang posisyon sa City Government.

Facebook Comments