QC-LGU, inanunsyo na nagnegatibo na sa COVID-19 ang residente ng Quezon City na pinaka-unang kaso ng UK variant sa bansa

71

Inanunsyo ng lokal na pamahalaan ng Quezon City na nagnegatibo na ang residente na unang kaso ng UK COVID-19 sa lungsod.

Ito ay batay na rin sa pinakahuling resulta ng isinagawang swab test dito.


Magsasagawa muna ng pinal na assessment ang mga doktor sa quarantine facility kung saan siya minomonitor bago ito payagang makabalik sa kaniyang pamilya at makisalamuha sa kaniyang komunidad.

Gayunman, mananatiling mahigpit siyang susubaybayan sa loob ng halos dalawang linggo.

Nagbabala naman si Mayor Joy Belmonte sa komunidad ng naturang residente na iwasan ang diskriminasyon dahil may kaparusahan ito sa ilalim ng anti-discrimination ordinance.

Facebook Comments