QC LGU, magpapadala ng grupong tutulong sa naapektuhan ng 7.4 magnitude na lindol sa Davao Oriental; San Juan City, nagbigay ng 2 milyong donasyon sa Cebu kasunod ng pagyanig ng 6.9 magnitude sa probinsya

Bumuo ang pamahalaang lungsod ng Quezon ng grupong ipapadala sa Davao Oriental na tutulong sa mga naapektuhan ng pagtama ng magnitude 7.4 na lindol.

Ayon QC Local Government Unit (LGU), binubuo ito ng labing limang kawani mula sa kanilang iba’t ibang departamento kabilang na ang Department of Engineering, Department of Building Official, at Search and Rescue Team ng Disaster Risk Reduction and Management Office ng lungsod.

Ang grupo ay inatasan na tututok sa Rapid Disaster Assessment and Needs Analysis.

Samantala, nagbigay naman ang San Juan City LGU ng dalawang milyong piso financial assitance sa Province of Cebu at City of Bogo.

Bilang pagtulong sa pagbangon at muling pagsasaayos ng mga komunidad na naapektuhan dahil sa nangyaring magnitude 6.9 na lindol.

Ayon sa lokal na pamahalaan ng San Juan City, tig-isang milyong piso ang mga nasabing probinsya na nagmula sa Local Disaster Risk Reduction and Management fund ng lungsod sa ilalim ng City Ordinance No. 32 Series of 2025.

Bukod dito, nagbigay din si San Juan City Mayor Francis Zamora ng isang milyong piso assistance sa Bogo City mula naman sa League of Cities in the Philippines.

Facebook Comments