QC LGU, nakapagpamahagi ng mahigit 2K food packs sa nagprotestang residente ng Sitio San Roque sa QC

37

Aabot na sa mahigit dalawang libong food packs ang naihatid na ng Quezon City Government sa Sitio San Roque Barangay Bagong Pagasa Quezon City.

Ginawa nang bahay-bahay ang distribution upang matiyak na walang maiiwanang residente.


Paliwanag ng City government, natagalan ang paghahatid dahil sa laki ng sakop ng lungsod at kinailangang gawing house to house ang pamamahagi para maipatupad ang physical distancing.

Noong Miyerkukes, mahigit dalawampung residente ng Sitio San Roque ang inaresto ng Quezon City Police District matapos magbarikada sa kahabaan ng Edsa dahil sa kawalan ng relief goods mula sa pamahalaang lokal.

Facebook Comments