QC-LGU, suportado ang imbestigasyon ng PNP-PDEA Board of Inquiry sa nangyaring shootout sa kani-kanilang mga anti-illegal drug operatives

59

Buo ang suporta ng Quezon City Government sa ongoing investigation ng binuong Philippine National Police-Philippine Drug Enforcement Agency Board of Inquiry sa nangyaring misencounter sa Commonwealth Avenue.

Sa isang statement, tinawag ng QC Local Government Unit (LGU) na kalunos-lunos ang engkwentro ng dalawang anti-illegal drug unit dahil inilagay nito sa peligro ang buhay ng mga residente sa lungsod at nabulabog ang negosyo sa Commonwealth area.


Nakahanda ang lokal na pamahalaan na makipagtulungan alang-alang sa paglutang ng katotohanan sa pangyayari.

Pinaalalahanan naman nito ang publiko na iwasan munang magpakalat ng disinformation sa insidente habang wala pang resulta ang imbestigasyon.

Umaasa rin ang LGU na makakapaglatag ang PNP at PDEA ng protocol sa mga operasyon upang hindi na maulit ang misencounter.

Facebook Comments